Heart to Heart with Jesus: Ano ang mga alam ni Hesus tungkol sa akin?
Kasalanan? Sanay na si Hesus sa mga kasalanan mo! Alam Niya na may mga bagay na magagawa mo at hindi mo rin magagawa. Alam Niya kung ano ang kaya mo at hindi mo kaya! Alam Niya kung ano ang kahinaan mo at kung saan o kanino ka marupok.
Huwag kang mag-alala alam Niya na may mga bagay na hindi mo kontrol. Alam Niya ang ganitong kamalian mo at hindi mo magiging katulad o mapapatayan ang mga santo tulad ni Mother Teresa o Carlo Acutis. Pero hindi lang iyon ang alam Niya; Alam niya na kaya mong magbago at magsisi. Hindi man ngayon pero gusto Niyang magbalik ka sa Kanya. Wala ka nang ibang babalikan pa kundi sa Kanya.
Pupuwede rin namang hindi mo Siya piliin. Sanay na rin naman si Hesus diyan! Kung sino man ang sanay na maiwan sa atin, si Hesus iyon. Iniwan nga siya ng mga 12 apostles Niya nung namatay Siya sa krus e. Ikaw pa kaya? Kaya nakikita na rin ni Hesus na puwede mo Siyang iwan at puwede rin namang hindi…
IT’S YOUR CHOICE TO MAKE… But YOU CAN COME BACK TO HIM AND HAVE A HEART TO HEART WITH HIM. IT IS NOT MATTER WHAT IS YOUR PAST, IT IS NOT MATTER WHAT WAS YOUR MISTAKES. JESUS STILL LOVES YOU WHATEVER IT TAKES, BECAUSE HIS HEART IS ALWAYS READY TO LOVE YOU AGAIN EVEN IF IT IS BROKEN MANY TIMES, EVEN IF YOU BROKE IT AGAIN AND AGAIN.
THE LOVE OF JESUS IS STILL THERE AND WILL REMAIN AS LONG AS YOUR HEART IS READY TO RECEIVE HIS HEART.