Heart to Heart with Jesus: Paano makilala si Hesus?
Paano ba makilala si Hesus? May facebook ba siya? Meron ba siyang instagram o twitter man lang?? Kailangan pa ba ng mga iyon para i-follow natin si Hesus?
Minsan ang basehan natin upang mas makilala ang isang tao ay sa kanyang Social Media platforms tulad ng FB account. Minsan gustong-gusto nating makilala pero ginusto ba nating makilala si Hesus? O sa ating mga sarili muna; kinikilala na ba natin si Hesus?
Ang motto ngayon ng iba:
“Ok lang na hindi ka palasimba basta may Diyos ako na kinikilala.”
Teka. Paano nga ba makilala si Hesus?
Paano mo nasabi na may Diyos kang kinikilala? Sapat ba na alam mong may Diyos? Paano mo ito nasabi? Siyempre isasabuhay mo kung ano ang alam mo, kung ano ang pinaniniwalaan mo, kung sino ang mahal mo. Yung simpleng pagsisimba, na minsan hindi pa natin magawa-gawa ay simpleng palatandaan na Oo nga, may Diyos nga akong kinikilala.
Hindi sapat ang mag-share ka ng mga religious post sa profile mo, mag-type ka ng Amen o maglagay ng Bible verse sa bio mo. Kilala na tayo ni Hesus, pero tayo hindi pa natin siya ganun kakilala. Ang dami-dami nating puwedeng gawin para makilala Siya pero sa huli hindi natin siya ganun na makikilala. Much more siguro kung hindi tayo nagsisimba.