Heart to Heart with Jesus: Para kanino ka bumabangon? Para rin ba kay Hesus?

Pro Deo Et Ecclesia
1 min readJun 5, 2023

--

Araw-araw pinipili ka ni Hesus. Dapat araw-araw bumabangon ka para sa Kanya. Para Makilala Siya, Sundin Siya at Mahalin Siya. (See CCC-Prologue) Sapat na kay Hesus ang katahimikan mo, ang oras mo at ang sarili mo (Ano man ang iyong pagkatao). Hindi kailangan ni Hesus na magaling ka o matalino ka o Santo ka!

Tunay naman na inaaya ka Niya sa kabanalan ano man ang daan na iyong tinatahak. Gusto ka Niya maging banal. Ang kabanalan na bunga ng Kanyang pagmamahal na kung minsan ay mahiwaga. Ang mga banal ay marunong manahimik. At sa katahimikan na iyon kasama ng pakikipagtitigan nila kay Hesus sa kanilang buhay; iyon ang nagbanal sa kanila.

Hindi yung kung anong meron sila, hindi yung kaalaman at kahusayan nila. Alam nila kung kailan sila titingin kay Hesus. Sa ngayon bangon ka lang para kay Hesus.

Bumangon ka para magmahal, para maging banal. Bumangon ka lang dahil sa espiritu ni Hesus dadaloy ang kabanalan sayo. Hindi mo kailangang magdali, hindi mo rin kailangang ipilit ang sarili mo dahil alam ni Hesus na susubukan mo sa isip, sa salita sa gawa.

--

--