MUKHA

Pro Deo Et Ecclesia
1 min readApr 6, 2023

--

Isaiah 50:6–7

Yung mukha natin ngayon ay MUKHANG MGA HIRAP at MUKHANG MGA PAGOD. Pagod na ding magmahal at pagod ng magtiwala. Pero kung pagninilayan po nating mabuti, kung tayo ang nasa kalagayan ni Santa Veronica. Kapag nakita at punasan ang mukha ni Hesus na naliligo sa dugo at pawis, kapag nakita mo siya na may MUKHANG HIRAP at MUKHANG PAGOD NA dahil sa hirap na dinaranas niya na dahil sa ating mga sala, mapapagod ka pa ba?

Ang hirap makilala ng mukha ng bawat isa. Ang hirap makita ang mukha ng iba. Pero sa kabila nito hindi magiging hadlang ang makita natin ang mukha ni Hesus sa mukha ng ating kapwa. Mukha nang hirap at mukha nang pagod katulad natin. Ngunit isa itong patuloy na paanyaya na sa bawat mukha ng ating kapwa sa likod ng pagod at hirap masusumpungan natin ang Mukha ni Hesus na nagpakita ng MUKHA NG PAG-ASA, MUKHA NG PAG-IBIG AT MUKHA NG MAY PAGTITIWALA.

Panginoon, Makita nawa naming ang iyong mukha sa mga mukhang mga hirap at mukhang mga pagod na. Kabanal-banalang Mukha ni Hesus, Kaawaan mo po kami!

--

--

Pro Deo Et Ecclesia
Pro Deo Et Ecclesia

No responses yet